Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kelly Bitangcol Nov 2016
Noong Nobyembre 8 2016, magandang araw ang aking naranasan. Lahat ng tao ay naging mabait sa akin, masaya ang mga pangyayari at nakangiti ako buong araw. Nang sumapit ang hapon at ako ay pauwi na galing sa eskwelahan, mayroong ibinalita sa akin ang aking ina. At dahil sa balita na iyon, nasira ang aking mabuting araw, at napalitan ng pagiging miserable. Isang pangyayari na tumatak sa isip ng madaming Pilipino,  isang pangyayari na naghimok sa akin upang magsalita at lumaban. Noong Nobyembre 8 2016, pinayagang ilibing ang dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.


          Bayani ba si Marcos? Siya ay naging presidente ng Pilipinas sa loob ng dalawampu’t isang taon. Alam nating lahat ang kanyang mga nagawa, dahil sa kanya mayroong NLEX, at iba pang mga imprastraktura at gusali. One is to one ang peso at dolyar noong kanyang panahon. Madami siyang nagawa para sa ating bansa. At sabi nga ng maraming Pilipino, ginawa niyang mayaman ang Pilipinas. Pero ano nga ba ang katotohanan? Noong ako ay bata, nasa isip ko rin na si Marcos ay naging magaling na Presidente at pinaganda niya ang Pilipinas. Pero nang ako ay tumanda, nalaman ko ang mga katotohanan na ayaw tanggapin ng karamihan. Bago pa maging presidente si Marcos, mayroon ng malaking oportunidad na magkaroon ang Pilipinas ng economic bloom, at yuon ay dahil sa administrasyon ng mga dating Presidenteng si Magsaysay at Macapagal. Kung mayroong dapat ikredito kay Marcos yuon ay ang pagpapayag niya ng paghiram ng malaki at ang ginawa niyang malalaking utang sa mga dayuhan na dapat kanyang gamitin para sa industrialization at pagpapaunlad. Ngunit sinayang ng rehimeng Marcos ang lahat ng perang ito sa pamamagitan cronyism at katiwalian. Ang hindi alam ng nakakaramihan ay isa siyang kurakot na lider, at ang kanyang mga utang ay babayaran natin magpahanggang sa taong 2025. Oo, madami siyang naipatayong mga imprastraktura at may mga nagawa siya sa bansa, pero hindi ba galing sa mga Pilipino ang pera na iyon? Nasa kapangyarihan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon, malamang sa malamang ay madami siyang magagawa. At hindi ba responsibilidad iyon ng isang presidente? Na paglingkuran ang bansa? Bakit kailangang isumbat iyon? Ang daming bagay na hindi alam ng mga Pilipino at lubos na nakalulungkot ito, ang mas nakakalungkot pa ay ang mga nakalimot sa Martial Law. Pinili ng mga tao na kalimutan ang mga totoong bayani, na nagbuwis ng buhay nila para sa bansa na ito. Nakalimutan nila ang mga libo libong tao na namatay at nasaktan. Nakalimutan nila ang dami ng dugo, at sakit na dinanas ng Pilipino noong panahon ng Martial Law. Ang demokrasyang binura ng administrasyong Marcos ay pilit na kinalimutan ng mga mamamayan ngayon dahil sa kadahilanan na ginawa naman nitong maganda ang bansa. Ang kalayaan na ipinaglaban ng mga Pilipino noon, ang kalayaan na dahilan upang makapagsulat ako ngayon, ay hinding hindi ko makakalimutan. Mga perang ninakaw,  mga Pilipinong lumaban pero namatay at nasaktan, mga karapatan na nayurakan, gaanon nalang ba kadaling kalimutan? P167.636 bilyon na ninakaw, 3,264 na namatay, 34,000 na tinorture at 70,000 na nakulong. Hindi bayani si Marcos, at kahit kailan hindi siya magiging bayani.


       Ang pangyayaring ito ay isang malaking bahagi sa ating kasaysayan at bansa. Sinasabi nila na tayo ay mag move on at magpatawad, pero paano natin ito mabibigay kung wala namang nanghihingi nito? At wala sa kanila ang desisyon kung kailan tayo magbibigay ng tawad. Habang ang mga Pilipino ay pinatay ay ninakawan, ang pamilya niya ang nagsasaya dahil sa kanilang yaman at dahil sa pagiging bayani ni Marcos. Sa pangyayari na ito, parang nabura ang ating kasaysayan. Para nating kinalimutan lahat ng nangyari. “Buti pa si Marcos may bangkay.”, sabi ng isang pamilya na hindi pa nahahanap ang bangkay ng isang Martial Law victim. Paano tayo magmomove on sa isang pangyayari na hindi pa naman nagkakaroon ng maayos na wakas? Ito ay parang paglagay ng asin sa sugat na hindi pa naghihilom. Ang nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, sa katunayan, ay sobrang nakakatakot. Nakikita ko na simula ito ng panibagong panahon na walang demokrasya at pagapak sa mga karapatan. Baka masyado tayong takot sa kasaysayan, pero hindi tayo takot na maulit ito. Pero hindi ako titigil, hindi dapat tayo tumigil, upang ipaglaban ang tama. Tayo ay magsalita, at lumaban para sa ating bansa. Huwag tayong susuko para makamit ang tunay na hustisya.  Hahayaan ba natin na maulit ang madilim na nakaraan? Hindi na muli.

*(k.b)
unknown Aug 2017
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
Morrey Feb 2014
Nasaan ka? nasaan ka aking kabataan?
tila hangin na naglalaho
sa bilis ng ikot ng panahon
at paglipas ng bawat minuto
masasabi ko bang ako ay natuto?

Nasaan ka, aking kabataan?
lumulubog at lumilitaw
malimit ako ay nalilito, malimit ako ay naliligaw
habang ako ay unti unting nilalamon
ng mga pahina ng kalendaryo

Nabuhay sa panahon ng mga kritiko at relihiyoso
naglalakad sa gitna ng manipis na espasyo ng kamalayan
nagmamasid at nanahimik
nagbibilang ng mga sandaling malabong maulit
huwag masyadong matulin at baka matinik ng malalim

Nasaan ka aking kabataan?
mga kinagisnan ay iyo nang iniwan
niyapos ng modernong mundo
binuksan ang pinto sa pagbabago
sa huli, kilala mo pa ba ako?

Nasaan ka aking kabataan?
ang iyong katahimikan ay nakakabingi
sabi nila ang pagsisisi ay laging nasa huli
Nasaan na, nasaan na?
kabataan ko, gising ka pa ba?
Morrey02.06.14
Filipino/Tagalog
J Apr 2017
Eto nanaman ako nagsusulat ng mga tula,
Mga tulang nakakasakit ng damdamin ng iba,
Hindi ko alam paano mawala lahat ng sakit,
Para sa isang taong magulo lagi ang isip.

Paano nga ba? Paano mabura lahat ng pagkakamali?
Paano mabago at maulit muli?
Paano? Ilan sa mga tanong na hindi ko masagot,
Mga tanong na puno ng takot.

Tao lang naman ako hindi ba?
May damdamin at pwede masaktan tulad ng iba,
Ang buong akala ko ay okay na ako,
Okay na ako..... Siguro.

Pilit kong inayos ang tagpi-tagping nakaraan,
Ngunit sila na mismo ang hindi gumawa ng paraan.
Pinilit; ngunit hindi na pala— hindi na pala ito maaayos,
Umasa at hinangad na lahat ng ito ay matapos.
mikhachuuu Apr 2017
Minsan naiisip ko
Pano mo nga ba nabihag ang puso ko
Oo ako nga iyon
Ang nilalaman ng puso mo ngayon

Ewan ko kung bakit
Ewan ko kung bakit tayo'y pilit na pinaglalapit
Tas eto ako ngayon nahulog na
Nahulog na sa taong halos lahat ng ay humahanga

Oo ikaw nga yon,Minsan naiisip ko
Pano mo nga ba nabihag ang puso ko
Oo ako nga iyon
Ang nilalaman ng puso mo ngayon

Ewan ko kung bakit
Ewan ko kung bakit tayo'y pilit na pinaglalapit
Tas eto ako ngayon nahulog na
Nahulog na sa taong halos lahat ng ay humahanga

Oo ikaw nga yon,
Ikaw na ikaw, heartthrob ngayon
Mga babae sayo ay nagaabang
Pero kahit wala akong gusto sayo, ako parin ang lumamang

Noon, nirereto kita sa iba
Sa kanya, para kayo ay magkakilala
Naalala ko ang fc ko non
Pero angyare ngayon?

Oo unexpected talaga
Bat nga ba tayo ang itinadhana
Sana eto na nga ang huli,
ayoko na ng susunod pa muli

Noon, pagkakakilala ko sayo ay pafall, paasa
Pero nung lubusan kitang nakilala, hindi pala
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana
Di natin inaasahan tayo din pala

Bago palang, dami ng nangyari
Nakagawa ng mga pangyayaring tama at mali
Ayoko na maulit ang mga nangyari noon
Mga nangyari noon na gusto ko ng itapon

Ang swerte ko kasi ako napili mo
Kahit nung simula, wala akong gusto sayo
Pero ngayon nahulog na ko
Hays, nahulog sa taong madaming nagkakagusto

Ikaw, ikaw na kaya?
Ikaw na kaya ang "Right One" ko?
Ako, ako na kaya?
Ako na kaya ang "Lucky Girl" sa buong mundo?
Swerte ko sayooo huhu <3
mica Jan 2018
sana pinigilan ko ang sarili ko
nang tuluyang mahulog sa'yo
upang hindi na maulit
ang ginawa kong pagpilit
sa aking sarili
sana pinigilan ko

ngunit, sana hindi nalang kita tinigilan
pero kailangan kitang iwanan
kasi hindi lamang ako yung nasasaktan
pati ang damdamin kong pilit kong pakawalan
sana hindi kita tinigilan

sana nakikita ko ay iyong reaksyon
sa likod ng mga hadlang
tuwing tayo'y nagkakaroon ng interaksyon
kahit sa chat lamang
sana nakikita kita

pero bakit kung kailan ilang buwan nalang tayo magsasama
saka muling kumislap ang aking mga mata
tuwing ika'y nakikita
hindi ito tama
sapagkat nangako ako sa sarili ko
na titigilan na kita noon
pero noon iyon
anong nangyari saakin ngayon
bakit biglang ninakaw mo ang aking atensyon
mula sa kanya, patungo sa'yo
sana matagal ko na itong ginawa

hindi kung kailan malapit ka nang mawala sa aking paningin,
hindi kung kailan malapit ka nang maglaho sa aking paligid,
hindi kung kailan bumalik na ulit ang nararamdaman ko para sa iyo...
hindi.

sana nagawa ko nang umamin sa'yo noon
ngunit hindi ko kaya
hindi ko kayang masaktan dahil lamang sa munting damdamin ko na maaaring makasira sa kung anong meron tayo.
oo, magkaibigan tayo.
alam ko yun.
dahil hanggang doon lang tayo.

sana, nakita mo kung gaano ka kahalaga sa paningin ko.
sana...
pero hindi.
inggo Feb 2016
Gusto kitang makausap muli
Habang naglalakad tayo pauwi
Nais mapakinggan ang iyong mga kuwento
Habang nakatingin sa mapupungay na mata mo

Ikkuwento ko sayo ang parte ng buhay ko
Baka sakaling magustuhan **** maging parte nito
Ikuwento mo rin ang parte ng buhay mo
At magbabakasakali ako na maging parte din nito

Bagalan sana natin ang paglalakad
Nang masulit ko itong pagkakataon
Kasi baka hindi na ito maulit pa
Darating pa nga ba ang tamang panahon?

Humantong na tayo dito sa lugar
Kung saan dapat ng maghiwalay
Hindi ko man gusto matapos oras na ito
Sana bukas ay muli kang makasabay
Yesha Jan 2022
nakaw lang ang mga sandali
ngunit tayo'y nakangiti
kahit hindi ma'y magkatabi
sa puso ko ika'y mananatili

sa iyong buhok na manipis,
sa balat **** kay kinis
ang iyong tangkad na hindi labis
at ang iyong nakakabighaning ngiti

sino ba naman ang hindi mahuhumaling
sa isang gaya mo, walang maihahambing
sa aking huwad na buhay, isang ikaw ang dumating
kinulayan ang aking buhay, isang kang luningning

ngunit ang tadhana nati'y hinatulan
emosyon ko'y hindi napigilan
ako'y nawala, sa ere ika'y binitawan
lubos na nagsisisi, ba't ka nga ba pinakawalan?

sa mga panahong lumipas
ilang beses mo na akong binigyan ng tsansa
ngunit sa sarili' ako'y nagdududa
na baka maulit ang aking mga nagawa

sa panahong ika'y muling mahagkan
buo na'ng puso't isipan
ika'y hindi sasaktan't iiwanan
ngunit ang kapatawaran mo ba'y aking matatamasan?

nawa'y sa aking paghilom, ay nariyan ka pa
hihintayin kita't tayo'y magsisimula
mapaglarong tadhana ginawa tayong taya
nawa'y tayong dalawa ay tuluyang makawala
Tatlong Daan at Animnapu't Limang Tula para kay Mayari: Ikalawang Pahina
clarkent Aug 2017
Noon gumagawa ng tula
Tungkol sayo at saking pangungulila
Sabi ko, andito ako at hihintayin kita
Kahit pa masaktan basta sabi ko, mahal na mahal kita
Parepareho lang ang tema
Laging tungkol doon ang nalalathala
Yung paghihintay na muli'y mapasaakin ka
Sabi ko, sige na, pagbigyan mo na
Pagbigyan mo na na tayo ay maulit pa

Ngayon sabi ko,
Tama na muna siguro
Wala naman kasing nangyayari sa lahat ng sinasabi ng mga tula na 'to
Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako
Yung isip ko lalo lang gumugulo
Siya pa rin naman ang hawak mo
Tapos satin wala namang nagbabago
Di ako napapagod magmahal at maghintay sayo
Pero naisip ko, sa susunod na lang aasa sa "tayo"

Bukas, malay mo magkatagpo na naman
Dito, doon o saanman
Malay mo baka pwede nang muling simulan
Yung naputol na pagmamahalan
Kung kaya nang ipaglaban
Kung kaya nang panindigan
Kung kaya nang kalimutan
Yung masasakit na nagdaan
Kung nanaisin nang muling balikan
Saka na lang ulit natin pagbiyan

Mahal, gusto ko lang sabihin
Laman nitong puso't isip ay ikaw pa rin
Habambuhay nang nakatatak sa paningin
Ngunit akin munang palalayain
Sa malayo na lang kita hihintayin
Sa malayo na lang muna kita mamahalin
Hindi na muna kita pipilitin
Hayaan na lang muna natin
Kung saan tayo dalhin ng hangin
Dun na lang muna aasa, sa tayo ay muling pagtagpuin
Lecius Dec 2020
Pahinga ka muna
Mukhang pagod kana
Ilang milya na ba nalakad
Bago ka tuluyang dito mapadpad

Hindi mo kailangan parating mag-madali
Tipong bawat araw na lamang ay nag-aatubili
Sapagkat hindi ganiyan ang turo ng buhay
Ika'y parati nasa unahan sa karamihan nakahiwalay

Kung minsan dapat mo ring maranasan sa hulihan
Nang malaman mo ang tunay na kahulugan
Nang kasiyahan matapos ang tagumpay
Kahit sugat-sugat ang katawan at ang paa'y pilay

Pahinga ka muna
Mukhang pagod kana
Sa karera ng buhay
Na 'di mo dapat itunuring na ganoong bagay

Ayos lang mag-kamali
Makailang beses mang maulit muli
Dahil kung minsan kailangan mo matuto
Mula sa pagkakamali na kung saan ka nalito

Huminto ka ng sandali
H'wag kang mag-madali
Pakinggan ang pusong sumasambit
Hindi mo kailangan lahat ng bagay ipilit

Tandaan mo walang tunay na katagumpayan
Sa isang tao na napipilitan
Kaya ikaw na ay tuluyang huminto
Nang dahil 'di talaga 'yan ang gusto
unnamed May 2017
Ito na nga ba ang huli
Mapuputol na ba ang tali
na naguugnay sating mali
Pwede bang maulit pang muli?

Ang hirap matanggap
Mas lalong mahirap magpanggap
Kahit anong takip halata pading hirap
Ang mga sakit di ko na kaya pang humarap

Humarap sa laro ng panahon at tadhana
Nagtulong pa silang dalawa para sakin ipadama
Ang sakit na tuwing ako ay madarapa
Sugat mula tuhod tagos hanggang kaluluwa

Malalim pa sa malalim ang iiwanan mo sakin
Durog pa sa durog ang puso ko’y nag mistulang buhangin
Di mo na gugustuhin pang kilalanin
Sapagkat kailanmay di mo ako kayang piliin

Noong ika'y nilalamig, ako ang iyong nagsilbing init
Kapag takot ka sa bukas, ako sayo ang unang sisilip
Ginawa ko naman ang lahat
Pero bakit di pa din sapat ....

kasi ika'y mawawala na
Nawalan na ng gana ang tadhana
Matapos nya akong bigyan ng pag asa
Bigla bigla ka ring mawawala na

Sana makabalik pa ako sa punto
na hindi ko sinubukang matuto
Mag-isip at gumawa ng tula para sayo
Dahil wala namang magiging tayo

Wala na bang bisa aking mga dalangin
Tinatangay lang ba lahat ng hangin
Ngayon mawawala na sakin
Ang kailanma’y di naging akin.
Para sa mga umibig na mayroon ding iniibig.
Michael Joseph Nov 2018
Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinadamdam mo ang lamig ng kahapon, ang paglisan
minamasdan ko sa layo ng araw ang iyong halina

Mahirap mag-intay sa ilap ng mga sulyap,
tanglaw sa tuwing naghahanap-kayakap
sa mapangakit na halina ng mga ngiti sa labing
malabong magdikit kahit sa pangarap

Sana’y sapat na ang mga awit
ng mga tulang binigkas sa hangin,
nagbabakasakaling maipadama ang lalim
at tugma ng pag-ibig na nilihim

Sa gabi, mag-isa na naman at dama ang lamig
yakap ang unan, hawak ang kumot
nag-iilusyong kasama ka

Sana’y maulit muli ang sumpa
sana’y walang takot sa halina
‘pagkat sanay na tayo sa lamig ng gabi
alam na natin ang ingay o init
at takot na tayong mabighani

Sa umaga, mag-isa na naman at dama ang init
masaya na sa halik ng kape sa labi
nag-iilusyong kasama ka.

Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinamdam mo ang lamig ng kahapong kaysakit
ninamnam ko ang tamis ng kalayaan sa pasakit

sana’y tanghali nalang tayo nagkapiling
sana’y di pa sanay o manhid sa pag-ibig.

Tadhana
Michael Joseph Aguilar Tapit
6/19/2016
AIA Oct 2018
You inspire me in everything you do.
I don't know why I fall for you...
It's just that one day, biglang hinahanap hanap ko na yung presensya mo.
Yung ikaw na lagi ang gusto kong makatabi sa Van.
Yung ikaw na lang ang kukuha ng bayad ko.
Hopefully.
I'd like to playback the time where our hands touched and yung isang buong oras na mag katabi tayong dalawa.
Sana maulit ulit.
I would trade anything for that one moment.
To: Mr. KSP.
This love note was written a year ago.
Dionne Ogayon Jul 2020
Paulit ulit kitang kinukwento sa mga tala..
Kahit ang kwento natin ay hindi yata tinadhana..
Walang araw na hindi ko pinagpasalamat
Mga alala natin na malinaw pang lahat ..

Sa susunod na buhay baka pwede na,
Maling desisyon wag na sanang maulit pa..
Ikaw ang buhay na pinapangarap
Baka sa susunod na buhay sana ikaw ay aking mahanap..
Kurtlopez Aug 2023
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam".

Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala.

Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na.

Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas.

Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin.

Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito.

Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Kailan kaya ako magiging destinasyon?

— The End —